GCQ sa Metro Manila, simula na ngayong araw
Ngayon ang unang araw ng pag-iral ng general community quarantine sa Metro Manila.
Maliban sa Metro Manila, iiral din na din ang GCQ sa mga rehiyon ng Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Central Visayas at sa Pangasinan, Zamboanga City at Davao City.
Modified GCQ naman ang iiral sa nalalabi pang bahagi ng bansa.
Sa ilalim ng GCQ pinapayagan nang magbukas ang mas maraming establisyimento.
Ang mga trabahador ay maari na ring makabalik sa kanilang mga trabaho.
Balik na rin ang pampublikong transportasyon pero hindi pa isang daang porsyento.
Tuloy naman ang pag-iral ng 24 na oras na curfew para sa mga edad 20 pababa at edad 60 pataas maliban na lamang kung kabilang sla sa mga exempted sa ilalim ng guidelines ng IATF.
Tuloy din ang pagpapatupad ng curfew mula gabi hanggang umaga.
Ayon sa DILG, hindi na kakailanganin ang quarantine pass kapag lalabas para bumili ng essentials pero maari pa rin itong ipatupad ng LGU depende sa kanilang pinaiiral na patakaran.
Kailangan naman ng travel pass para sa mga tatawid ng provincial o regional borders.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.