General Luna, Surigao Del Norte niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Surigao Del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 38 kilometers southeast ng bayan ng General Luna, alas-5:05 madaling araw ng Lunes (June 1).

May lalim na 9 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

 

Read more...