Rollback sa presyo ng LPG ng mga kumpanya ng langis epektibo na

By Dona Dominguez-Cargullo June 01, 2020 - 05:15 AM

Magpapatupad ng rollback sa presyo ng LPG ang mga kumpaya ng langis ngayong Lunes, June 1.

Sa abiso ng kumpanyang Petron 30 centavos ang bawas sa kada kilo ng kanilang LPG epektibo alas 12:01 ng madaling araw kanina.

Katumbas ito ng P3.30 na bawas sa kada 11-kilogram LPG cylinder.

May bawas din na 17 centavos ang kada litro ng AutoLPG ng Petron.

30 centavos din kada litro ng bawas ng kumpanyang Phoenix sa kanilang Super LPG.

Habang 15 centavos naman sa bawat litro ng AutoLPG epektibo din alas 12:01 ng madaling araw.

Samantala ang kumpanyang Solane, ay may bawas na 27 centavos sa kada kilo ng LPG o P2.70 sa kada 11-kilogram LPG cylinder.

Epektibo ito alas 6:00 ngayong umaga.

 

 

 

TAGS: AutoLPG, BUsiness, LPG, oil price, rollback, AutoLPG, BUsiness, LPG, oil price, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.