Kaso ng COVID-19 sa bansa pumalo na sa mahigit 18,000

Umabot na sa mahigit 18,086 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay makaraang makapagtala ng 862 na dagdag na kaso ang Department of Health (DOH).

Sa nasabing bilang, 16 lang ang fresh casea o mga bagong kaso sa nakalipas na 3 araw, anim dito ay naitala sa NCR habang ang 10 ay naitala sa ibang lugar.

Habang ang 846 kaso ay bahagi ng backlog saga resulta ng COVID-19 tests, 238 dito ay naitala sa NCR, 81 sa Region 7, 235 sa repatriates at 292 sa ibang lugar.

Nakplagtala din ng dagdag na 101 na gumaling sa COVID-19 kaya umabot na sa 3,909 ang total number of recoveries.

Habang pito naman ang nadagdag sa bilang ng nasawi.

Mayroon nang 957 na COVID related deaths sa bansa.

Read more...