Mga paliparan sa bansa isina-ilalim na sa Zika virus alert

NAIA1
Inquirer file photo

Isina-ilalim na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Zika virus alert ang lahat ng mga paliparan sa buong bansa.

Sa kanilang inilabas na memorandum, pinayuhan ng CAAP ang lahat ng mga airline companies, airport officials, employees at mga medical personnel na maging alerto sa pagmo-monitor sa mga pasaherong posibleng infected ng nasabing uri ng sakit.

Nauna nang naglabas ng advisory ang International Civil Aviation Organization (ICAO) sa lahat ng mga paliparan sa daigdig kaugnay sa posibilidad na mas lalo pang lumobo ang bilang mga infected ng Zika virus.

Noong February 1 ay itinaas na rin ng World Health Organization ang kanilang alerto kaugnay sa nasabing uri ng virus na naunang namonitor sa Uganda noong 1952.

Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 33 countries ang apektado ng Zika virus at karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa North at South America.

Pinayuhan din ng CAAP ang lahat ng mga airport administrators na panatilihing malinis ang mga paliparan at hanapin ang mga pwedeng pamahayan ng mga lamok na siyang nagdadala ng nasabing uri ng virus.

Read more...