Heat index sa Metro Manila, pumalo sa 38 degrees Celsius

Mainit at maalinsangan panahon ang naranasan sa Metro Manila, araw ng Linggo (May 31).

Ayon sa PAGASA, umabot sa 38 degrees Celsius ang heat index sa bahagi ng Science Garden, Quezon alas-3:00 ng hapon.

Umabot naman sa 35.6 degrees Celsius ang naitalang maximum temperature sa nasabing lugar.

Payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

Read more...