Dagupan City nakapagtala ng pinakamataas na heat index, May 31

By Mary Rose Cabrales May 31, 2020 - 11:56 PM

Nakapagtala ng mataas na heat index ang anim na lugar sa bansa, araw ng Linggo, May 31.

Ayon sa huling datos ng PAGASA, nakapagtala ang Dagupan City ng pinakamataas na heat index na umabot sa 49 degrees Celsius (alas-2:00 ng hapon).

Naitala naman ang 46 degrees Celsius na heat index alas-2:00 ng hapon sa sumusunod na mga lugar:
– Legazpi City
– Science City of Muñoz
– Sangley Point, Cavite City

Samantala, 44 degrees Celsius na heat index alas-2:00 ng hapon naman ang naitala sa sumusunod na lugar:
– Aparri, Cagayan
– Davao City

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

TAGS: heat index May 31, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update May 31, heat index May 31, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update May 31

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.