Echague, Isabela nakapagtala ng pinakamataas na temperatura, May 30
Nakaranas ng maalinsangan at mainit na panahon ang 5 na lugar sa bansa sa araw ng Sabado, May 30.
Ayon sa PAGASA, naitala sa Echague, Isabela ang pinakamataas na temperatura na umabot sa 36.1 degrees Celsius.
Narito naman ang iba pang lugar na nakapagtala ng mataas na temperatura:
Ambulong, Tanauan City- 35.8 degrees Celsius
Tagum City – 35.7 degrees Celsius
Catbalogan City – 35.5 degrees Celsius
Hacienda Luisita, Tarlac – 35.5 degrees Celsius
Paalala ng weather bureau sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at bawasan ang physical activities sa tanghali at hapon para maiwasan ang heat stress.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.