Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,538
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Linggo (May 31, 3:00 PM) pumalo na sa 1,538 ang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon kung saan nakapagtala ng 11 na panibagong kaso.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 355
Laguna – 447
Batangas – 200
Rizal – 438
Quezon – 98
Nasa 809 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 11 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 132
Laguna – 302
Batangas – 104
Rizal – 198
Quezon – 73
Nadagdagan ng 1 ang nasawi kaya umabot na sa 158 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa rehiyon.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 30
Laguna – 35
Batangas – 25
Rizal – 60
Quezon – 8
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.