Pangulong Duterte, nagpasalamat kay King Hamad Bin Isa Al Khalifa ng Bahrain sa pagbibigay ng Royal Pardon sa 16 Filipino

By Chona Yu May 31, 2020 - 11:33 PM

Pinasalamatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si King Hamad Bin Isa Al Khalifa ng Bahrain dahil sa pagbibigay ng royal pardon sa 16 Filipino.

Kabilang sa mga nakalaya ang dalawang Filipino na nabigyan ng pardon sa katatapos na pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

“This act of humanity by His Majesty King Hamad Bin Isa Al Khalifa provides renewed hope and an opportunity for our countrymen and women to build new lives,” ang mensahe ng Pangulo.

Sinabi pa ng Pangulo na ang pagbibigay ng Royal Pardon ay patunay na matibay ang ugnayan ng Pilipinas at Bahrain pati na ang kanyang pakikipag-kaibigan kay King Hamad Bin Isa Al Khalifa.

Pangako ng Pangulo, patuloy siyang makkipag-ugnayan sa Bahrain para mapalalim pa ang bilateral ties ng dalawang bansa.

TAGS: Inquirer News, King Hamad Bin Isa Al Khalifa of Bahrain, president duterte, Radyo Inquirer news, Roayl Pardon to 16 Filipinos, Royal Pardon, Inquirer News, King Hamad Bin Isa Al Khalifa of Bahrain, president duterte, Radyo Inquirer news, Roayl Pardon to 16 Filipinos, Royal Pardon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.