Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 31, pumalo na sa 5,184 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 47 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 2,694 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Nadagdagan naman ng 1,176 ang bilang ng gumaling kung kaya 2,151 na overseas Filipinos na ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Samantala, nanatili naman sa 339 ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 3,219 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 821 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 655 naman ang kaso sa Americas at 489 sa Asia Pacific Region.