Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, sa ganitong paraan ay madadagdagan ang biyahe at madadagdagan ang mga makakasakay na pasahero kahit limitado pa ang kapasidad nito.
Ang kada tren ay tatakbo sa bilis na 40 kilometer per hour sa MRT-3 mainline sa pagitan ng North Avenue at Santolan Stations, at sa pagitan ng Buendia at Taft Stations.
Sa pamamagitan nito, mababawasan ang headway o oras sa pagitan ng mga tren.
Nakatulong din sa pagdagdag ng train sets at operating speed sa progreso sa rail replacement works ng pamunuan ng MRT-3 sa kasagsagan ng ECQ at Modified ECQ.
Dahil dito, ide-deploy na rin ang tatlong Dalian train sets para makadagdag sa kapasidad ng MRT-3 sa panahon ng GCQ.
“Sa dahilan na nagawa na po natin ang ilan sa mga rail replacement project, mai-experience n’yo na po ang takbo ng ating mga tren sa ilang bahagi ng linya na nasa 40kph, mula sa dating 25 to 30kph,” pahayag ni Tugade.