Ngunit sa ulat ng Anti-Organized Crime Unit ng PNP-CIDG, nadiskubre rin na ang mga banyaga ay sangkot sa operasyon ng illegal online gambling.
Nabatid na ang isinasagawa ang ilegal na operasyon sa garahe ng Mariche Apartelle sa Barangay Mabolo.
Narekober sa operasyon ang 53 laptops, 102 cellphones, isang passport, isang keyboard, at P5.3 million cash.
Walang nakuhang passport sa mga inaresto at wala rin silang naipakitang mga dokumento para sa kanilang operasyon.
Paunang mga kaso ng paglabag sa RA 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act, PD 1602 at RA 9287 (illegal number games) ang isasampa laban sa mga inarestong banyaga.