Barangay 847 sa Maynila, isasailalim sa hard lockdown sa June 1

By Angellic Jordan May 31, 2020 - 12:44 PM

Isasailalim sa ‘hard lockdown’ ang Barangay 847 sa Lungsod ng Maynila simula sa June 1.

Ayon sa Mayor Isko Moreno, epektibo ang lockdown simula 12 ng madaling-araw ng June 1 hanggang 11:59 ng gabi ng June 2.

Pinirmahan ng alkalde ang Executive Order No. 24 para sa makapagsagawa ng COVID19 surveillance, rapid risk assessment at testing operations sa nasabing barangay laban sa COVID-19.

Inilabas ni Moreno ang executive order kasunod ng hiling ng mga opisyal mula sa Barangay 847.

“May request ang chairman na mag-lockdown. Tiningnan namin ang datos, viable ang lockdown. Granted po ang inyong request,” pahayag ni Moreno.

Sa ilalim ng lockdown, hindi papayagang lumabas ng bahay ang mg residente sa nasabing barangay sa itinakdang petsa.

Hindi naman kasama rito ang health workers, military personnel, service workers, utility workers, essential workers, barangay officials, at media practitioners na accredited ng Presidential Communications Operations Office at IATF.

Ipinag-utos naman sa station commanders ng mga istasyon ng pulis sa nasabing barangay na mag-deploy ng tauhan sa mga strategic location sa kasagsagan ng lockdown.

Sa ngayon, mayrooong apat na kumpirmadong kaso ng COVID-19 at anim na suspected cases sa Barangay 847.

TAGS: Barangay 847 in Manila lockdown, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 response, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, Barangay 847 in Manila lockdown, COVID-19 Inquirer, COVID-19 monitoring, COVID-19 response, COVID-19 update, Inquirer News, latest news on COVID-19, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.