Global death toll bunsod ng COVID-19, higit 370,000 na

Pumalo na sa mahigit 370,000 ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 370,918 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 105,557.

Sumunod na rito ang United Kingdom na may 38,376 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 33,340 naman ang death toll sa Italy habang 28,849 ang napaulat na nasawi sa Brazil.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 28,771
– Spain – 27,125
– Mexico – 9,779
– Belgium – 9,453
– Germany – 8,600
– Iran – 7,734
– Canada – 7,073
– Netherlands – 5,951
– India – 5,185
– China – 4,634
– Russia – 4,555
– Turkey – 4,515
– Sweden – 4,395
– Peru – 4,371
– Ecuador – 3,334
– Pakistan – 1,395
– Chile – 997
– Saudi Arabia – 480

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,156,438 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 2,737,039 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...