Libreng sakay ng DOTr para sa mga health workers umakyat na sa isang milyon

May 31, 2020 - 12:16 PM

Umabot na sa isang milyon ang naitalng health workers na nakinabang sa libreng sakay ng Department of Transportation.

Ayon kay Transport Asec. Goddes Libiran, ang nasabing bilang ay simula noong umpisahan ng kagawaran ang free ride noong March 18 kung saan tatlong ruta pa lamang ito.

Nakinabang sa programa ang mga health workers mula sa National Capital Region (NCR) at maging sa regions 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, CAR at CARAGA.

Sabi ni Libiran, Naihahandog ang libreng sakay sa iba pang panig ng bansa dahil sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Samantala, maaari pa ring makita ang LIVE LOCATION ng mga bus units habang binabaybay ang 20 ruta sa Greater Manila Area dahil sa mga naka-install na GPS location tracker devices sa mga bus kaya malalaman ng mga frontliners ang oras ng pagdating ng mga bus.

Malalaman din ang kasalukuyang lokasyon ng mga vehicle units, maging ang 20 ruta ng libreng sakay sa Greater Manila, sa website, at mobile app ng Sakay.ph.

Makikita rin anya sa GOOGLE MAPS ang mga ruta ng free rides kaya mas madali para sa mga health workers na malaman kung saan maaaring i-avail ang libreng sakay.

Samantala, sa datos ng Road Sector ng ahensya umabot na sa mahigit 200 vehicle units ang na-deploy para sa libreng sakay.

Katuwang din ng DOTr sa programa ang ilang oil companies gaya ng Phoenix Petroleum, CleanFuel, at Petron, na nagbibigay ng fuel subsidy sa mga transport companies na kasali sa programa.

TAGS: Asec. Goddes Libiran, COVID-19 response, dotr, Inquirer News, libreng sakay sa health workers, Radyo Inquirer news, Asec. Goddes Libiran, COVID-19 response, dotr, Inquirer News, libreng sakay sa health workers, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.