Romblon District Hospital, pansamantalang isinara
Pansamantalang isinara ang Romblon District Hospital (RDH) simula 5:00, Biyernes ng hapon (May 29).
Ayon kay Romblon Governor Jose Riano, ito ay matapos lumabas na positibo sa COVID-19 ang dating pasyente ng ospital na inilipat na sa isang ospital sa Maynila.
Sinabi ng gobernador na “until further notice” sarado ang nasabing ospital.
Dahil dito, suspendido muna aniya ang admission sa RDH.
Ire-refer aniya ang mga pasyenteng may emergency cases sa Romblon Provincial Hospital (RPH) at sa Rural Health Unit (RHU) sa kaya nitong kapasidad.
Tiniyak naman ni Riano na nagsagawa ng contact tracing at rapid testing sa mga nagkaroon ng direct contact sa pasyente.
Layon din aniya nitong mapangalagaan ang mga empleyado at residente ng probinsya.
Nakasailalim na aniya sa isolation ang mga empleyadong close contact habang ang iba naman ay naka-home quarantine/facility quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.