Recruitment at training programs ng PNP, magbabalik sa June 1

By Angellic Jordan May 30, 2020 - 03:57 PM

Magbabalik na ang mandatory career training courses at recruitment program ng Philippine National Police (PNP) simula sa Lunes, June 1.

Naglabas si Police Maj. Gen. Amador Corpus, director ng Human Resource Doctrine and Development, ng bagong panuntunan sa pagsasagawa ng PNP mandatory career courses at training sa ilalim ng tinatawag na ‘new normal.’

Magbabalik na rin ang recruitment program sa pamumuno ng PNP Recruitment and Selection Service (PNP-RSS) sa kaparehong petsa.

“I am pleased to announce that the PNP Recruitment and Selection Service (RSS) will resume processing of applications for recruitment to fill existing vacancies for recruitment, lateral entry, and cadetship program,” pahayag ni PNP Chief General Archie Gamboa.

Kabilang sa mga panuntunan ang mahigpit na pagsunod sa social distancing at pagsusuot ng face mask, pagpapatupad ng minimum health standards ng PNP Health Service, pagbabawal sa paghiram ng mga personal na gamit tuulad ng ballpen, phones, notebooks, laptops at iba pa.

Ani Corpus, magsasagawa ng inspkesyon sa mga lugar kung saan gagawin ang training courses para matiyak na sasailalim sa proper disinfection laban sa COVID-19.

Kailangan din aniyang magkaroon ng medical clearance mula PNP Health Service

Nilinaw naman ng PNP-RSS na ang pagbabalik ng recruitment program ay para lamang sa PNP applicants na may pending medical, dental, neuro-psychiatric, at drug test examinations bilang bahagi ng screening process.

TAGS: Inquirer News, new guidelines under new normal, PNP chief Archie Gamboa, PNP Recruitment and training programs, Radyo Inquirer news, Inquirer News, new guidelines under new normal, PNP chief Archie Gamboa, PNP Recruitment and training programs, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.