Kabilang ito sa pinayagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) kasabay ng pagsailalim sa general community quarantine (GCQ).
Sa Laging Handa press briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na naaprubahan ang Resolution No. 41 sa mga barbero at beauty parlor na bahagi ng Category III.
Ibig-sabihin nito, sa ilalim ng GCQ ay maaaring magbukas hanggang 30 percent capacity lamang simula sa June 7.
Limitado rin muna ang hair cut services ng mga salon at barbershop sa mga customer.
Dalawang linggo matapos ang June 7, sinabi ni Roque na maaaring taasan ng salons at barbershops ang operating capacity sa 50 porsyento.