Bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, pumalo na sa 6-M

Sumampa na sa mahigit anim na milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 6,031,023 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 1,793,530 cases.

Sumunod na rito ang Brazil na may 468,338 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 387,623 naman ang kaso sa Russia habang 285,644 ang napaulat na kaso sa Spain.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 271,222
– Italy – 232,248
– France – 186,835
– Germany – 183,019
– India – 173,491
– Turkey – 162,120
– Peru – 148,285
– Iran – 146,668
– Chile – 90,638
– Canada – 89,418
– Mexico – 84,627
– China – 82,999
– Saudi Arabia – 81,766
– Pakistan – 64,028
– Belgium – 58,061
– Qatar – 52,907

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 366,812 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 2,659,270 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...