New Zealand isa na lang ang aktibong kaso ng COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo May 29, 2020 - 08:59 PM
Mayroon na lang isang aktibong kaso ng COVID-19 sa New Zealand.
Sa loob ng pitong magkakasunod na araw, wala ang naitalang panibagong kaso ng sakit sa naturang bansa.
Ayon sa Ministry of Health ng New Zealand, ang huling natitirang active case ng COVID-19 ay nasa pagitan ng edad 50-59 at naninirahan sa Auckland region.
Dahil sa matagumpay na laban kontra COVID-19 itinaas na sa 100 ang bilang ng pinapayagang magtipon sa New Zealand.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.