Kaso ng COVID-19 sa Maynila nadagdagan ng 28 pa
By Dona Dominguez-Cargullo May 29, 2020 - 08:25 PM
Nakapagtala ng 28 pang kaso ng COVID-19 sa Maynila.
Sa huling datos ng Manila Health Department, 1,357 na ang bilang ng mga residente ng Lungsod ng Maynila na nagpositibo sa COVID-19.
Sa nasabing bilang, 859 ang active cases.
Mayroon namang 397 na naka-recover sa sakit habang 101 naman ang binawian ng buhay.
Mayroon pang 1,587 na itinuturing na ‘suspect’ at 268 ang itinuturing na ‘probable’ sa lungsod.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.