Ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon patuloy na makararanas ng pag-ulan ayon PAGASA
Magpapatuloy pa ang nararanasang pag-ulan sa ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 7:33 ng gabi ng Biyernes, May 29 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Laguna, Rizal, Zambales, at Pampanga.
Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa mga bayan ng San Manuel, Anao, Ramos, at Moncada sa Tarlac; Cuyapo, Talavera, Santo Domingo, Munoz, Talugtug, at Guimba sa Nueva Ecija; Balanga at Abucay sa Bataan; Batangas City, Ibaan, at Rosario sa Bataan; Lucena, Sariaya, Pagbilao, Tayabas, Buenavista, San Narciso, Mulanay, Catanauan, at Mauban sa Quezon.
Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.
Maari ding magdulot ng landslide ang malakas na pag-ulan sa mga bulubunduking lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.