Ambulong, Tanauan City nakapagtala ng pinakamataas na heat index

Nakapagtala ng mataas na heat index ang 5 na lugar sa bansa, araw ng Biyernes, May 29.

Ayon sa huling datos ng PAGASA, nakapagtala ang Ambulong, Tanauan City ng pinakamataas na heat index na umabot sa 48 degrees Celsius (alas-2:00 ng hapon).

Naitala naman ang 46 degrees Celsius na heat index alas-2:00 ng hapon sa Sangley Point, Cavite City.

45 degrees Celsius na heat index naman ang naitala sa Calapan City at Science City of Muñoz alas-2:00 ng hapon.

Samantala, 44 degrees Celsius naman ang naitala sa Port Area, Manila alas-2:00 ng hapon.

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Paalala ng PAGASA sa publiko na dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan na muna ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

 

 

Read more...