Heat index sa Metro Manila, pumalo sa 41 degrees Celsius

By Mary Rose Cabrales May 29, 2020 - 07:22 PM

Mainit at maalinsangan panahon ang naranasan sa Metro Manila, araw ng Biyernes (May 29).

Ayon sa PAGASA, pumalo sa 41 degrees Celsius ang heat index sa bahagi ng Science Garden, Quezon City alas-2:00 ng hapon.

Umabot naman sa 34.2 degrees Celsius ang naitalang maximum temperature sa nasabing lugar.

Ayon sa weather bureau, mapanganib ang dulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees Celsius ang heat index dahil sa sobrang init, maaari itong magdulot ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang anumang physical activities tuwing tanghali at hapon.

 

 

 

TAGS: heat index, Inquirer News, Metro Manila, News in the Philippines, Pagasa, quezon city, Radyo Inquirer, Science Garden, Tagalog breaking news, tagalog news website, Temperature, heat index, Inquirer News, Metro Manila, News in the Philippines, Pagasa, quezon city, Radyo Inquirer, Science Garden, Tagalog breaking news, tagalog news website, Temperature

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.