Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina umabot na sa 195

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO facebook page (3:00 PM Biyernes, May 29) , pumalo na sa 195 ang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Nanatili pa rin sa 21 ang bilang ng COVID-19 related deaths sa lungsod.

Nasa 94 naman ang bilang ng naka-recover na.

Ang bilang naman ng probable ay 6 habang 9 naman ang suspected.

 

 

 

 

Read more...