DOH nilinaw na 109 lang ang bago sa 539 na COVID-19 cases na iniulat kahapon
Nilinaw ng Department of Health (DOH) na sa 539 na COVID-19 cases na iniulat kahapon (May 28), 109 lang lang ang talagang bagong kaso.
Ang iba ayon sa DOH sa bahagi ng backlog cases ng COVID-19 test results.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang mataas na bilang ng kasong iniulat noong Huwebes ay resulta ng natapos na validation ng laboratory results na lumabas noon pang nakaraang linggo pero late na naisumite.
Sinabi ni Vergeire, ang 109 na kaso ay kalalabas lamang ng resulta sa mga laboratoryo sa nakalipas na tatlong araw.
Habang ang mahigit 400 ay pawang late cases o ang mga kaso na ang resulta ay lumabas na noong nakaraan pang linggo, pero noong Huwebes lang naisumite ang laboratory results.
Para maiwasan ang kalituhan, sinabi ng DOH na simula ngayong araw may pagbabago sa pag-uulat ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Ani Vergeire, sa pagbibigay ng datos ay babanggitin na kung ilan ang “fresh cases”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.