Kumpanyang ‘Omnibus’ itinanggi ang alegasyon ng overpricing at monopoly
Tahasang itinanggi ng Omnibus Bio-Medical Systems, Incorporated-ang Philippine distributor ng Sansure Biotech Inc., na nagbenta sila ng overpriced na COVID-19 testing equipment and kits sa gobyerno.
Sa kanilang statement, sinabi ng kumpanya na ang mga naturang alegasyon ay walang basehan. Ang Omnibus anila ay dalawanpung taon nang nagbebenta ng medical equipment. Kilala sila sa industriya bilang reliable and credible supplier.
“There is no truth to the reports that the company directly sold Sansure Polymerase Chain Reaction (PCR) machines and test kits to the Department of Budget and Management (DBM), the Central Office Bids and Awards Committee -Department of Health (DOH), and PhilHealth,” the statement declared. “Our company adheres to a business practice aimed at providing the best value in life science equipment. We will not tarnish that reputation especially [during] the COVID-19 crisis.” Saad ng Omnibus sa kanilang statement.
Pinasinungalingan din ng Omnibus ang kumakalat na fake news hinggil sa pagkakasangkot umano ng kanilang kumpanya sa labis-labas na presyuhan ng COVID-19 testing machines and kits. Hindi rin daw nila mino-monipolisa ang merkado para sa COVID-19 testing kits. Hindi rin mawari ng mga may-ari ng kumpanya kung bakit bigla na lamang silang inaatake ng mga paninira.
Ang kalituhan hinggil sa presyo ng COVID-19 testing machines na ibenibenta ng Omnibus ay nangyari nang may magpalabas ng general statements kung saan nakaligtaan banggitin na may packages at inclusions silang inaalok sa kanilang mga kliyente.
Nang magbenta umano ang Omnibus ng Sansure NATCH CS Fully Automated Nucleic Acid Extraction System machine para sa Go Negosyo’s Project ARK, ang presyo nito ay P1.75 million. Ipinaliwanag ng Omnibus: “We facilitated the purchase of Go Negosyo at the price of $35,000 or (roughly around P1.75 million at the time of purchase). This was done via a free on board or FOB arrangement. Go Negosyo was the one who paid the additional costs for air transport, destination charges, storage, and warehousing.” Sansure Biotech is based in China.
Samantala, nang magpatawag ng Procurement Service ang DBM (PS-DBM) para sa public bidding kung saan inalok nila ang naturang makita noong April 23, 2020, ang pakete ay nagkakahalaga ng P4.3 million, kung saan may maraming inclusions ang inalis sa Go Negosyo arrangement. Ang mga naturang pakete ay kinabibilangan ng 25,000 NATCH consumables-na pawang mga plastics na gagamitin para malaman ang PCR reactions. Kalakip din sa presyo ang para sa bid documents, air transport, destination charges, storage, warehousing, local delivery fees, warranties, maging ang laptop at software na kinakailangan para patakbuhin ang naturang makina, preventive maintenance at technical calibration fees, peripherals, bonds, at retentions.
Nag-alok din ang Omnibus na isa pang pakete na nagkakahalaga naman ng P4 million sa PS-DBM. Mas mababa ang naturang halaga dahil wala iyon kasamang NATCH consumables.
Maliban dito, nag-ooperate umano ang Omnibus sa napakahirao na delivery scenario at pagmamadali para maisakatuparan ang possible 7-day delivery period. Dahil sa mga hamon na iyon ay nadagdagan pa ang presyo ng hanggang P4.3 million (for the NATCH machine with 25,000 PCR consumables) at P4 million (for the NATCH machine alone). Ang Bottom line, pinaninindigan ng Omnibus ang kanilang statement na patas lamang ang presyo na alok nila para sa mga nabanggit na packages.
Nilinaw din ng Omnibus na hindi sila nag-hoard o nagtago o nagmonopolya ng PCR, NATCH machines at COVID-19 testing equipment and kits. Sabi ng kumpanya, kahit sino ay maaring magkompirma na sila ay tagapag-distribute lamang ng isa mga brands na available sa merkado. Ang Omnibus ang siyang exclusive distributor ng Sansure brand lamang.
Maging ang Food and Drug Administration (FDA) ay kinumpirma rin na “at least 45 approved brands for PCR-based testing.”
Samantala, kasi sila lamang ang may exclusive distributorship ng Sansure products, ay mayroon pang hindi bababa sa tatlong mga kumpanya ang nagbebenta rin ng Sansure, kaya walang dahilan para kontrolin o ma-corner ng Omnibus ang industriya.
Maliban dito ay wala umanong kapangyarihan ang Omnibus para sa pagdaraos ng bidding process para sa test kits. Sa katunayan, ay natalo ang Omnibus sa bidding at sa kasalukuyan ay walang business transaction sa gobyerno sa kinukuwestiyong medical equipment.
Hindi rin daw nagprotesta ang
Omnibus sa kanilang pagkakatalo sa bidding process sa kabila ng pagkakaroon nila ng lowest bid. Iginalang umano nila ang desisyon ng gobyerno.
Binigyang diin ng Omnibus: “We value our customers and will never engage in profiteering, hoarding, or blackmailing. We stand on two decades of hard work and service commitment to our stakeholders through the selfless dedication of our employees. Our ISO certification for the past three years attests to the heart and passion to be preferred partners in the healthcare industry.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.