PAL may special flight patungong US sa May 31 para sa mga stranded na US citizens

Mayroong special flight ang Philippine Airlines (PAL) sa May 31 para sa mga stranded na US Citizens at U.S. lawful permanent residents sa Pilipinas.

Sa abiso ng US Embassy, ang PAL flight ay aalis sa NAIA patungong New York City sa Linggo, May 31.

Para sa mga interesadong US citizen at nais mag-avail sa nasabing flight, maaring tumawag sa special PAL hotline na +63(2) 8855-1000.

Pinayuhan ang mga mamamayan ng Amerika na ihanda ang kanilang credit card at passport details bago tumawag.

Narito ang halaga ng tickets para sa nasabing special flight:

Manila to New York City:
Economy: USD $1,378 (plus taxes and fees) Premium: USD $1,807 (plus taxes and fees)
Business: $3,218 (plus taxes and fees)

 

 

Read more...