Health graphic warning makikita na sa pakete ng sigarilyo mula sa Marso

From DOH
From DOH

Sisimulan na ang pag-iimprenta ng health graphic warning sa mga pakete ng sigarilyo sa buwan ng Marso.

Gayunman, ayon kay Department of Health spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy, posibleng mayroon pa ring mga pakete ng sigarilyo na makikita sa merkado sa susunod na buwan na walang health graphic warnings.

Ito aniya ay ang mga lumang suplay ng sigarilyo na dati nang nabili ng mga tobacco company.

Sinabi ni Lee-Suy, na dapat ay ubusin na lang ng mga kumpanya ang lumang supplies nila ng sigarilyo at dapat ay siguraduhin na ang mga susunod na supply ay mayroon nang mga larawan na nagpapakita ng masamang epekto sa kalusugan ng paninigarilyo.

Magkakaroon din ang DOH ng assessment kung gaano kalaki ang magiging epekto sa mga naninigarilyo o kung mababawasan ba ang bilang ng mga naninigarilyo dahil sa paglalagay ng graphic health warnings.

Read more...