Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas ala 1:35 ng hapon ng Biyernes, May 29 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Nueva Ecija, Pampanga, at Laguna sa susunod na mga oras.
Heavy to intense na pag-ulan naman ang nararanasan na sa bayan ng Mayantoc at San Jose sa Tarlac; Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, at Cabangan sa Zambales; Bagac, Bataan; Tanza, Naic, Trece Martires, Maragondon, Magallanes, Indang at General Emilio Aguinaldo sa Cavite; Nasugbu, Batangas; Rodriguez, Rizal; Burdeos at Panulukan sa Quezon at sa Norzagaray at Dona Remedios Trinidad sa Bulacan.
Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.
Maari ding magdulot ng landslide ang malakas na pag-ulan sa mga bulubunduking lugar.