Cebu City nakapagtala ng 321 na mga pasyenteng naka-recover sa COVID-19
Nakapagtala ang Cebu City ng panibagong 321 na mga pasyente na gumaling sa COVID-19.
Sa update mula kay Cebu City Mayor Edgardo Labella, ngayong Biyernes, May 29 ay nakapagtala sila ng 321 na bagong recoveries.
Sa nasabing bilang, 279 ay mula sa Brgy. Mambaling, 22 mula sa Brgy. Tejero, 15 sa Brgy. Labangon, 2 sa Brgy. sa Mabolo, at tig-iisa sa Brgy. Lahug, Capitol Site at Luz.
Ayon kay Labella, umabot na ngayon sa 792 ang total number of recoveries ng lungsod.
Nasa 36.9 percent aniya ang recovery rate ng Cebu City sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.