QC nakapagsagawa na ng halos 7,000 na swab test sa kanilang community-based testing

Nakapagsagawa na ng halos 7,000 na swab test ang Quezon City sa kanilang community-based testing sa COVID-19.

Sa datos ng QC Local Government Unit, simula noong April 13 hanggang kahapon May 28 umabot na sa 6,904 na katao ang nakuhanan ng swab test.

Sa nasabing bilang, 3,557 na ang mayroong resulta.

377 ang nagpostibo at 3,180 naman ang negatibo.

Nagpapatuloy ang community-based testing ng lungsod sa bawat distritong nasasakupan nito.

 

 

Read more...