Sa ilalim ng panukala ni Senate Majority Leader Migz Zubiri, palalawigin ang pag-iral ng batas hanggang sa Sept. 30, 2020.
Ayon kay Zubiri sa sandaling matanggap ng Malakanyang ang committee report ng senado ay sesertipikahan itong urgent ng pangulo.
Sinabi ito ni Zubiri matapos ihayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na tatlong sesyon na lamang ang nalalabi sa kongreso bago ang mag-adjourn sa susunod na linggo.
“They’re just waiting for the committee report. They wait for the committee report before they issue the certification,” ayon kay Zubiri.
READ NEXT
WATCH: 5 milyong middle income families isinama sa bibigyang ayuda sa pagpapalawig ng Bayanihan to Heal as One Act
MOST READ
LATEST STORIES