Ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon uulanin ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo May 29, 2020 - 12:45 PM

Makararanas ng pag-ulan dulot ng thunderstorm ang ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 12:37 ng tanghali ng Biyernes, May 29 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ilan ang mararanasan sa Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, at Laguna sa susunod na mga oras.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan bayan ng Panulukan sa Quezon; Magallanes, Silang, Maragondon, at Naic sa Cavite; at sa Nasugbu, Batangas.

Pinapayuhan ang mga residente sa mabababang lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha.

Maari ding magdulot ng landslide ang malakas na pag-ulan sa mga bulubunduking lugar.

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Pampanga, Quezon, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tarlac, thunderstorm advisory, zambales, Inquirer News, News in the Philippines, Pampanga, Quezon, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tarlac, thunderstorm advisory, zambales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.