Mahigit 1,000 tanim na marijuana winasak sa Kalinga

By Dona Dominguez-Cargullo May 29, 2020 - 11:49 AM

Aabot sa mahigit 1,000 tanim na marijuana plants ang sinira ng mga otoridad sa Kalinga.

Nadiskbre ng Kalinga Police Provincial Office ang marijuana plantation habang nagsasagawa ng foot patrol ang kanilang mga tauhan sa bulubunduking mga barangay sa lalawigan.

Ang pananim ay nadiskubre sa boundary ng mga Brgy. Lacnog sa bayan ng Tabuk at Brgy. Minagbag.

Aabot sa 1,050 na fully grown marijuana plants ang winasak.

Tinatayang aabot sa P210,000 ang halaga ng mga sinirang tanim na marijuana.

 

 

TAGS: fully grown marijuana plants, Kalinga, Marijuana, fully grown marijuana plants, Kalinga, Marijuana

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.