Local airlines naghahanda na sa pagbabalik ng flights
Naghahanda ang mga local airline sa pagbabalik ng commercial flights sa susunod na buwan.
Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villanueva, welcome development sa Philippine Airlines ang oportunidad na makabalik ang kanilang regular commercial operations.
Sinabi ng PAL na nakikipag-sila sa local at national government authorities para sa mga ipatutupad na guidelines sa mga ruta at schedules.
Agad aniyang ipababatid sa publiko sa sandaling maisapinal na ang mga papayagang ruta.
Samantala sinabi naman ni AirAsia Philippines communications head David de Castro na plano na rin nilang unti-unting magbalik sa operasyon sa June.
Sinabi ni De Castro na aabisuhan nila ang publiko sa pamamagitan ng kanilang websitena airasia.com kapag mayroon nang available flight.
Una nang sinabi ng DOTr na maari nang magbalik ang commercial flights sa GCQ to GCQ areas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.