P114M na halaga ng smuggled at pekeng sigarilyo, at gamit sa paggawa nito nakumpiska ng Customs sa Zamboanga

Aabot sa P114 million na halaga ng peke at smuggled na mga sigarilyo at mga gamit sa paggawa nito ang nakumpiska ng Zamboanga Peninsula inter – agency anti-smuggling team ng Bureau of Customs (BOC).

Sa serye ng ginawang pagsalakay, sinabi ng Customs na aabot sa P14 na milyong halaga ng kahun-kahong smuggled at pekeng sigarilyo ang nakumpiska.

May nakumpiska ring P100 milyong halaga ng mga makina na ginagamit sa paggawa ng pekeng sigarilyo.

Ang mga pagsalakay ay ginawa sa ng Zamboanga Peninsula inter-agency team na kinabibilangan ng Bureau of Customs, NBI IX, PNP Regional Office IX, Westmincom, PCG at BIR.

 

 

Read more...