Siaton, Negros Oriental niyanig ng magnitude 3.7 na lindol
(UPDATE) Itinaas sa magnitude 3.7 ang unang naitalang pagyanig na magnitude 3.3 na lindol sa lalawigan ng Negros Oriental.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 18 kilometers northwest ng Siaton, alas-9:53 umaga ng Biyernes (May 29).
May lalim na 2 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity III – Siaton, Zamboanguita, Dauin, Valencia at Bacong, Negros Oriental
Intensity II – Sibulan, Negros Oriental; Dumaguete City; Bayawan City
Intensity I – Dipolog City
Naitala rin ang instrumental intensity 2 sa Sibulan, Negros Oriental.
Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.