LOOK: Panukalang paglalagay ng dedicated bus lanes at bike lanes sa EDSA

Sa ilalim ng pag-iral ng new normal target ng Department of Transportation (DOTr) na magpatupad ng pagbabago sa mga linya sa EDSA.

Ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade, ang dalawang linya na malapit sa MRT-3 ay layong gawing dedicated lamang para sa mga bus.

Maglalagay din ng dedicated bike lanes sa EDSA para mahikayat ang publiko na gumamit ng bisikleta.

Sinabi ni Tugade na may ugnayan na ang DOTr, Metropolitan Manila Development Authority at Department of Public Works and Highways para ito ay maisakatuparan.

Kung magiging maganda aniya ang kahihinatnan ay gagawin na itong permanente.

 

 

Read more...