Dalawang hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom patay sa engkwentro sa Rizal

Nasawi matapos maka-engkwentro ng mga otoridad ang dalawang hinihinalang miyembro ng kidnap-for-ransom sa bayan ng San Mateo sa Rizal.

Ayon kay Police Major Ronaldo Lumactod, hepe ng Public Information Office ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG), nagsagawa sila ng operasyon sa pinaghihinalaang kuta ng mga suspek.

Nang dumating sa lugar ay agad nagpaputok ang mga suspek.

Nakilala ang dalawang nasawi na sina Rey Rala at isang alyas Melvin.

Si Rala ay mayroong standing warrant of arrest para sa kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Sinabi Lumactod na ang dalawang suspek ay sangkot sa grupo na dumukot sa isang babaeng biktima sa Laguna taong 2003.

 

 

 

Read more...