LOOK: Bus, UV Express, modern PUVs sa June 22 pa pwedeng bumiyahe
Sa June 22 pa papayagang makabiyahe ang mga pampasaherong bus, UV express at modern PUVs.
Ito ang nakasaad sa guidelines na inilabas ng Department of Transportation (DOTr) para sa pagpapatupad na ng general community quarantine sa Metro Manila simula sa June 1.
Ayon sa DOTr, simula June 1 papayagan nang bumiyahe ang mga tren at ang mga bus na bahagi ng bus augmentation ng pamahalaan.
Gayundin ang mga taxi, TNVs, shuttle services, P2Ps, at bisikleta.
Simula naman sa June 22 papayagan na ring bumiyahe ang mga public utility buses, modern PUVs at UV express.
Naglabas din ang DOTr ng guidelines para sa ipatutupad na physical distancing sa mga pampublikong sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.