Lubang, Occidental Mindoro hihilinging maisailalim sa GCQ
Aapela ang LGU ng Lubang, Occidental Mindoro na maisailalim pa din ito sa general community quarantine simula sa June 1.
Ang buong lalawigan ng Occidental Mindoro kasama ang iba pang lalawigan sa Region 4-B ay sasailalim na sa modified GCQ simula sa Lunes base sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero nais ng pamahalang bayan ng Lubang na manatili sa GCQ status ang kanilang bayan.
Ayon sa Lubang LGU, hindi pa sapat ang kanilang medical facilities sakaling magkaroon ng positive cases ng COVID-19.
Hindi rin sapat ang bilang ng kanilang health centers, ospital at maging medical professionals.
Inaasahan din ang pagdagsa na sa Lubang ng mga residente nilang na-stranded sa Metro Manila at iba pang lugar kaya kailangang mas doble ang pag-iingat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.