Payo ng PNP sa publiko: Huwag lumabas kung hindi kailangan
Umapela ang Philippine National Police (PNP) sa publiko na huwag abusuhin ang pagluluwag sa umiiral na community quarantine sa malaking bahagi ng bansa lalo na sa Metro Manila.
Kahit simula sa Lunes (June 1) ay general community quarantine na lamang ang iiral sa Metro Manila, Region 2, Region 3 at Region 4-A pinayuhan ng PNP ang publiko na huwag lumabas ng bahay kung hindi kinakailangan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Joint Task Force COVID-19 Shield Commander
Lieutenant General Guillermo Eleazar, na masasayang ang mahigit 70 araw na sakripisyo ng lahat kung aabusuhin ng publiko ang pag-iral ng GCQ at MGCQ.
Sa ilalim aniya ng GCQ tanging ang mga APOR o authorized person outside residence lamang ang dapat na lumabas.
Kabilang dito ang mga mayroong trabaho at ang mga kailangan ng access sa essentials gaya ng pagkain at gamot.
Sinabi ni Eleazar na magdaragdag ng tauhan ang PNP sa mga establisyimento gaya ng malls.
Ito ay para masiguro na naipatutupad ang health protocols sa mga mall.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.