Mga manlalaro ng tatlong koponan ng San Miguel Corp., sa PBA sumailalim lahat sa COVID-19 test

Isinailalim sa COVID-19 test ang lahat ng manlalaro ng tatlong koponan sa PBA na pag-aari ng San Miguel Corporation.

Kabilang dito ang mga manlalaro ng San Miguel, Magnolia, at Barangay Ginebra.

Ayon kay Beermen Team Manager Gee Abanilla, lahat ng kanilang manlalaro pati na coaching staff ay naisailalim na sa test.

Una nang sinabi ni SMC President Ramon S. Ang na lahat ng kanilang empleyado ay sasailalim sa COVID-19 test.

Sa ngayon ay may pakikipag-ugnayan sila sa partner laboratories para sa pagproseso ng test.

Pero inaasahang matatapos na ang itinatayong sariling laboratoryo ng SMC.

 

 

Read more...