Global cases ng COVID-19 mahigit 5.9 million na; 100,000 bagong kaso naitala sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo May 29, 2020 - 08:01 AM

Umakyat na sa mahigit 5.9 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Sa pinakahuling datos, sa nasabing bilang, mayroong mahigit 361,000 ang nasawi.

Umabot naman na sa mahigit 2.5 million ang naitatalang naka-recover o gumaling na sa sakit.

Habang mahigit 2.9 million pa ang aktibong kaso kung saan halos 52,000 dito ang kritikal ang kondisyon.

Sa nakalipas na magdamag, ay umabot sa mahigit 115,900 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo at mahigit 4,800 ang naitalang bagong nasawi sa sakit.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, global cases, global deaths, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, global cases, global deaths, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.