Antas ng tubig ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

By Mary Rose Cabrales May 29, 2020 - 07:20 AM

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 190.26 meters alas-6:00 umaga ng Biyernes (May 29) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 190.38 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.77 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 100.55 habang bahagyang nadagdagan din ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 76.33 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 76.31 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng San Roque at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao, Binga, Pantabangan at Magat dams.

 

 

TAGS: angat dam, dam status, Inquirer News, Luzon, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, angat dam, dam status, Inquirer News, Luzon, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.