LOOK: Basketball, volleyball hindi pa rin kasama sa papayagan sa mga lugar na nasa MGCQ

Tanging non-contact sports at iba pang uri ng ehersisyo ang papayagan kahit sa mga lugar na nasa modified general community quarantine na lamang.

Sa impormasyong ibinahagi ng Philippine Sports Commission (PSC), ang basketball at volleyball ay hindi pa rin kasama sa mga papayagang sports activities sa mga lugar na nasa MGCQ.

Narito ang mga sports activities na papayagan sa mga lugar na nasa GCQ:

walking
jogging
running
biking
golf
swimming
tennis
badminton
equestrian
skateboarding

Ang nasabing mga sports at exercise activities ay papagahan sa outdoor lamang.

Sa mga lugar naman na nasa MGCQ, papayagan na ang nasabing sports at exercise activities ay sa outdoor at indoor.

 

 

 

 

Read more...