Blended learning ng DepEd aprub kay Pangulong Duterte
Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ‘blended learning’ na planong ipatupad ng Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng klase.
Ayon sa pangulo, maghahanap din siya ng pondo upang matiyak na maayos itong maipatutupad ng DepEd.
Sa televised meeting ng IATF kasama ang pangulo, ipinaliwanag ni DepEd Sec. Leonor Briones na sa ilalim ng blended learning, ang pag-aaral ay gagawin sa pamamagitan ng pagbibigay ng module sa mga mag-aaral, at paggamit ng TV at radyo at internet.
Ayon sa pangulo nakikita niyang ‘feasible’ ang naturang programa ng DepEd.
Una nang sinabi ng pangulo na ayaw niyang magkaroon ng face-to-face classes hangga’t walang nadidiskubreng bakuna kontra COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.