PNP checkpoints mananatili ayon sa DILG

Mananatili ang checkpoints ng Philippine National Police (PNP) kahit pa ibinaba na ang antas ng community quarantine sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), may checkpoints pa rin ang PNP sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Kahit ang lugar ay nasa ilalim ng ECQ, MECQ, GCQ o MGCQ sinabi ng DILG na mananatili ang mga checkpoints.

Dahil dito, payo ng DILG sa publiko palaging magdala ng ID kapag lalabas ng bahay.

Partikular na dapat na dala ay ang company ID bilang patunay ng employment para sa mga trabahador ng mga kumpanyang pinapayagan nang mag-operate.

 

 

 

 

Read more...